Thursday, August 20, 2015

Wikang Filipino: Komunikasyon sa Makabagong Teknolohiya

by Xednyc Rex Añonuevo & Vincent Nocum    

     I.          PANIMULA


A.     WIKANG PAMBANSA
Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa at pag-unlad ng mga mamamayan at ng iba't-ibang aspeto ng isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.


B.     MGA SULIRANIN
Sa patuloy na pag unlad ng mundo na ginagalawan ng mga tao, nag lipana ang mga makabagong teknolohiya sa bawat sulok ng bansang Pilipinas. Bagamat maraming nakabubuting dulot ang paggamit ng mga sinasabing modernong teknolohiya, mayroon din namang hinaharap na suliranin ang ilan sa mga mamayang Pilipino. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

1.     Pag-asa lamang sa modernong teknolohiya (hal. smart phone, internet connection, etc.) para sa kanilang pangangailangan sa pang araw-araw na  komunikasyon.

2. Maling pananaw ng mamamayang Pilipino sa kapangyarihan ng modernong teknolohiya sa pakikipag talastasan.

3.   Di pag tuon pansin sa wikang Filipino dulot sa midyum na wikang ginagamit ng mga modernong teknolohiya. (i.e English)

4. Masamang impluwensya ng teknolohiya sa iba't-ibang uri ng relasyon ng bawat mamamayang Pilipino.

5.    Pagkakaroon ng mga mamamayang PIlipino ng Colonial Mentality tungo sa iba't-ibang aspeto ng mga bagay lalo na sa paggamit ng wikang pambansa.


     II.          EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA WIKANG FILIPINO


A.     KOMUNIKASYON PAGITAN SA TEKNOLOHIYA AT TAO
Di lingit sa mga mamamayang Pilipino na ang teknolohiya ay sadyang maunlad at umuunlad pa kaya naman di rin nag papahuli ang mga mamamayan sa kaalaman at pagkupkop ng mga nasabing modernong teknolohiya. Naririto ang ilan sa mga epekto ng modernong teknolohiya sa komunikasyon batay sa nasabing obserbasyon sa pagitan ng tao at teknolohiya:

1.    Nagiging parte na ng buhay ng mga Pilipino ang pag gamit ng kanilang mga gadgets sa pang araw-araw na aktibidad.

2.  Nawawalang silbi ang pag-aaral ng matalinhagang wikang pambansa dulot ng pag pokus sa pang malawakang pananaw ng ika u-unlad ng bansang Pilipinas.

3.      Hindi nabibigyang pansin na mapag-aralan ang mga modernong teknolohiya ng ilan sa mga Pilipino na nag bibigay daan sa pandaraya ng mga gustong maka-isa sa kanila.

4.   Lumalaganap ang paggamit ng mga salitang Jargon na nang-gagaling sa patuloy na paggamit ng modernong teknolohiya gaya ng Internet na nakaka-epekto sa kung paano i-delibira ang mga napapanuod ng mga Pilipino sa media.


B.     KOMUNIKASYON PAGITAN SA KAPWA PILIPINO
Dahil sa patuloy na paglaganap ng teknolohiya, ang komunikasyon ng bawat mamamayan ng isang bansa ay patuloy na naaapektuhan sa iba't-ibang aspeto ng kanilang buhay. Bawat bansa ay may kanya-kanyang uri ng epekto batay sa kultura nito. Naririto ang ilan sa mga epekto ng modernong teknolohiya sa komunikasyon batay sa nasabing obserbasyon sa pagitan ng kapwa Pilipino:

1.    Dahil sa mga salitang Jargon, naaapektuhan ang pamamaraan ng mga mamamayang Pilipino kung paano nila ipahiwatig ang kanilang mga nararamdaman.

2.    Nakabubuo ang mga mamamayang Pilipino ng mga makabagong salita na minsan ay nakabubuti at nakasasama sa isang komunikasyon.

3.    Ang nasabing Internet Culture na isang sub-culture na nabuo sa kadahilanan ng mga modernong teknolohiya ay lubos na nakakaapekto sa isang komunikasyon lalo na sa mga mamamayang Pilipino na may mga murang edad.

4. Dahilan sa modernong teknolohiya tulad ng Internet, mas napapadali ang komunikasyon sa bawat pamilya ng sambayanang Pilipino lalo na para sa mga mamamayan nating nag tatrabaho sa malalayong lugar o abroad.

5. Ngunit Dahilan rin sa mga makabagong teknolohiya ang isang malusog na komunikasyon sa loob ng isang sambahayan ay nababawasan dahilan sa pag po-pokus nila sa kanilang mga gadgets.

6.  Minsan rin ay nag kakaruon ng mga anomalya sa pagitan ng kapwa nila Pilipino dahilan sa di pag kakaunawaan ng bawat panig dahilan sa mga maling impormasyon dulot ng nasabing modernong teknolohiya o Internet.


    III.          IMPLUWENSYA NG TEKNOLOHIYA SA WIKANG FILIPINO

Saating panahon ngayon marami na ang taong gumagamit ng iba't ibang uri ng teknolohiya, gadgets, mobile cellphones, telepono, komputer at iba pa. Ito rin ang naging daan saating panahon upang mapadali ang mga uri ng komunikasyon sa isa't isa. Sa pag-susulat ng isangaklat, mensahe, talata, liham,  at iba pang mga sulatin ay inaasa narin natin sa teknolohiya. Ngunit ito ba ay nakakabuti sa atin? Sa pamamaraan ng ating wika at komunikasyon. O ito'y nakakasama sa implementasyon ng wikang filipino. Nang dahil sa teknolohiya ang mga Pilipino ay nakabubuo ng mga salita na naidadagdag natin saating pang araw-araw na buhay. Ngunit ang karamihan dito ay mga salita na walang kabuluhan at paggamit ng mga maling gramatika at pagbabaybay. Paghahalo-halo ng salitang ingles saating wika na nagiging normal saating buhay.

A.     PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA PANG ARAW-ARAW
Sa araw-araw na panahon ngayon ang bawat Pilipino ay may kani-kaniyang mga uri ng teknolohiya bilang daan sa komunikasyon at makihalubilo sa kapwa tao. Marami na             ang naging gamit at dulot ng teknolohiya saating pang araw-araw na buhay. Mga transaction, mapadaling trabaho, pakikipag-usap, pag-bibigay impormasyon, kaalaman at marami pang posibilidad sa darating na panahon. Ngunit ang pinaka-gamit ng teknolohiya saating panahon ngayon ay daan sa komunikasyon ng bawat tao. Sa pang araw-araw na buhay, walang taong hindi gumamit ng teknolohiya bilang daan sa komunikasyon. Nangunguna na danang pag-gamit ng mga Social Media Sites na patok sa makabagong panahon. Ito ay uri ng pahayagan kung saan inilalahatla mo ang iyong nararamdaman, nababasa, nakikita o anomang bagay na gusto mong sabihin na nangyayari sa iyong buhay. Ito'y mistulang dayari ngunit ito ay nakikita ng ibang tao o ng iyong mga kaibigan. Sa panahon ngayon karamihan ng tao ay gumagamit na ng Social Media Sites, Halimbawa na nito ang mga sumusunod:

1.      Facebook
2.      Twitter
3.      Youtube
4.      Instagram

Ngunit, bakit nga ba ito naging patok sa tao? Dahil ito ay napakadali at mabisang paraan ng pakikipag kapwa tao at paglalabas ng damdamin o ng isipan. Pakikipag usap sa tao sa pamamaraan ng "Chat", pag lalathala ng litrato na di na kailangan ng mga album o pag-papadevelop ng litrato upalang makita ito at pag-lalathala o pag-sasabi ng damdamin o nasa isip sa pamamagitan ng "status". Dahil dito marami ang tao na lalong na enganyo sapag-gamit ng teknolohiya.

B.     PAGGAMIT NG MGA MAKABAGONG URI NG SALITA
Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Hinggil sa pag-gamit natin ng teknolohiya saating pang araw-araw na komunikasyon at pakikipag-halubilo sa kapwa tao. Malaki ang nagiging epekto ng teknolohiya sa ating wika at komunikasyon. Karamihan ay mga salitang gawa ng tao na nagiging normal na sa wika ng Filipino at ito ay nagiging batayan ng bawat indibidwal o grupo sa isang komunidad. Halimbawa:

1.     Salitang ingles at filipino na pinag hahalo-halo upang makabuo ng mga bagong salita sa isang pangungusap.

a.      I’m so gutom na guys, let’s eat na.
b.      You are so pogi talaga, I’m galit na at you.

            Ang kalimitang tawag sa gamit nito ay “Coño” o isang grupo ng indibidwal kung                     saan sila ay gumagamit ng ingles at tagalog sa isang pangungusap. Kalimitang                         mayayaman o mataas na kabataan o “teenager” ang gumagamit nito.

2.      Pag-gamit ng numero bilang pamalit sa normal na letra sa isang salita at pag-dadagdag ng letrana z,x,c bilang pamalit sa letrang “s”.

a.      m4H4L n4 k1T4!z.
b.      1k4w L4nG z54p4t n4.

             Ang tawag sa gamit nito ay “j3j3m0n” o isang grupo ng indibidwal na kalimitang                    gumagamit ay mga kabataan o “teenager” na walang pinag aralan o mang mang sa                    wikang Filipino.

3.      Pag-puputol o pag-babawas at pag-dadagdag ng titik o letra sa isang salita.

a.      Sn kna? dito n ko o Werna u? d2 na me.
b.      Aq nalng sana. Pro bt sya pa?

            Kalimitang gugamit nito ay mga indibidwal na malapit sa mga “j3j3m0n” ngunit                      may onting pinag-aralan o isip ay ito ay madaling gamitin at magandang pakinggan o               nakiki uso sa panahon.



4.      Pag-bubuo ng mga bagong salita tulad ng mga sumusunod:

a.      Pabebe – ito ay salitang kahulugan ay pakipot, paarte, paganda.
b.      Beki – kasarian na lalake ngunit pusong babae.
c.      Boypren/Girlpren – kasintahan, mula sa salitang ingles na girlfriend/boyfriend.
d.      Amboy – Amerikano na dayong Pilipinas.
e.      Tomboy, Tibo, T-Bird – kasarian na babae ngunit pusong lalake.
f.       Eh di wow – isang salita na kunware maganda sa paningin.
g.      Bagets – bata o pag-sasabi ng nakakatanda sa nakababata.
h.      Bes – isang uri ng tawag sa matalik na kaibigan.
i.    Bae – tawag sa kasintahan nag mula sa salitang ingles na “Before Anything Else”.

                        At marami pang iba na gawang salita na naging komon na ginagamit ng Pilipino                                  sa kanilang wika. Ito ay kalimitang mababasa o mapapakinggan sa Social Media                                   Sites o sa kalsada.
                        Eto-eto anguri ng mga makabagong salitang ayon sa komunikasyon ng wikang                                      Pilipino sa pag-gamit ng teknolohiya.


   IV.          ABSTRAK


A.     BUOD
Nang kadahilanan ng teknolohiya, malaki at marami ang naging impluwensya nito sa komunikasyon at wikang Filipino. Sa pag-babago ng panahon, pag-dating o pag-imbento ng mga bagong salita, mga bagong paraan upang daan sa komunikasyon ng tao. Hindi man lahat ito ay nakakabuti meron paring parte nito ay nakakatulong sa atin sa pang araw-araw na buhay upang makipag talakayan o sa pakikipag-usap natin sa kapwa tao. Ito ay naging daan kung saan nagiging madali ang ating pakikipag komunikasyon sa iba’t ibang tao. Naging paraan din ito upang mapadali ang paglalahad ng nararamdaman at nasa isipan ng isang indibidwal. Ngunit meron din itong mga panganib at maling pag-gamit na pwedeng makasira sa komunikasyon ng bawat isa. Na nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng pagkakaisa ng bawat indibidwal. Katulad nalang ng pagkakaiba-iba ng mga salita na naiimbento ng isang grupo sa isang komunidad na nagiging sanhi ng hindi pagkakaintindihan o pagdidiskriminasyon sa isa’t isa. Ang pag lalahad ng damdamin at isipan sa publiko sa pamamagitan ng Social Media Sites kung saan nagiging hindi maganda hinggil sa pang pipintas ng iba at pang huhusga.


B.     IMPLEMENTASYON NG WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

1.      NAKABUBUTING DULOT

a.  Mapapadali ang pag intindi ng mga tao sa mga makabagong teknolohiya, bagamat ingles lagi ang gamit dito.

b.   Pag bubukas ng opurtunidad sa mga Pilipinong hindi nakakaintindi ng ingles, ang mga makabagong teknolohiya na pwede nilang pagaralan o malaman.

c.    Pag bubukas daan sa mga Pilipino na walang alam o walang muwang sa teknolohiya.

2.      NAKASASAMANG DULOT
a.  Maraming uri ng nakakasamang dulot ng teknolohiya sa wikang Filipino. Tulad nalang ng pag bubuo o pagiiba-iba ng salita na nagiging sanhi ng hindi pag kakaintindihan sa isa’t isa.
b.      Pag gamit ng mga maling gramatika o pagbigkas ng mga salita. Maling pag babaybay ng mga salita.
c.      Maling paggamit ng ibang wika at ng wikang Filipino.
d.   Nagiging sanhi din ito ng pagkakahati ng tao bagamat ang grupo ng indibidwal ay binabatay sa wikang ginagamit nito.
e.    Diskriminasyon sa isa’t isa dahilan din ng pag batay sa ginagamit na wika. Halimbawa nalang ang j3j3m0n at mga Coño.
f.     Pag kawala ng tunay na pag gamit o tamang gamit ng salita o wikang Filipino, pag kauso o pagiging popular sa kabataan na nagiging sanhi ng kamalian sa kanilang kaalaman hinggil sa paggamit ng mga salita o tamang wika ng Filipino.

g.      Esens o buhay ng wikang filipino na natatabunan ng mga bagong salita at salitang dayuhan.

5 comments:

  1. Ang ganda po nang paglalahad ng mga ideya at konsepto ukol sa kasalukuyang estado ng wika sa ating bansa. Nawa eh, maging isa itong hakbang upang ating buhayin ang kahalagahan ng wika sa ating bansa na nagsisimula sa ating sarili. Sa muling pagbuhay ng wika, nangangailangan tayo ng paglinang at intelektwalisasyon sapagkat tayo ang kakatawan sa wika na bumubuhay sa bayang Pilipinas.

    ReplyDelete
  2. Ang ganda po nang paglalahad ng mga ideya at konsepto ukol sa kasalukuyang estado ng wika sa ating bansa. Nawa eh, maging isa itong hakbang upang ating buhayin ang kahalagahan ng wika sa ating bansa na nagsisimula sa ating sarili. Sa muling pagbuhay ng wika, nangangailangan tayo ng paglinang at intelektwalisasyon sapagkat tayo ang kakatawan sa wika na bumubuhay sa bayang Pilipinas.

    ReplyDelete
  3. Ang ganda po nang paglalahad ng mga ideya at konsepto ukol sa kasalukuyang estado ng wika sa ating bansa. Nawa eh, maging isa itong hakbang upang ating buhayin ang kahalagahan ng wika sa ating bansa na nagsisimula sa ating sarili. Sa muling pagbuhay ng wika, nangangailangan tayo ng paglinang at intelektwalisasyon sapagkat tayo ang kakatawan sa wika na bumubuhay sa bayang Pilipinas.

    ReplyDelete
  4. Maganda po pero sana may analysis

    ReplyDelete
  5. nakakuha Ako Ng impormasyon sa blogspot na to,

    ReplyDelete