Del Leola, Ana Lorraine J.
Mayuga, Jellie Joice R.
BS MT
Iba’t ibang Gampanin ng Retorika sa Klinikal Laboratoryo
Layunin: Deskriptiv
Objectives:
1. Nakakapagbigay
kaalaman sa iba’t ibang daan sa komunikasyon ang pasalita o pasulat sa loob ng laboratory
2. Mapahalagahan
ang pagpapalawak ng kaalaman sa tulong ng mga impormasyon na binibigay o
nanggagaling sa mga nakatataas.
3. Matukoy
ang iba’t ibang gampanin ng retorika sa loob ng laboratoryo
I.
Kahulugan
ng Retorika
A. Ito’y
nakapagbibigay lasa sa isang sulatin o kaya’y kapag ang isang tao ay may
binibigkas gamit ang retorika
B. Ito
ay pag aaral upang magkaroon ng kasiningan at kahusayan ang isang indibidwal sa
pagpili ng mga salitang gagamitin sa kanyang pagsusulat o pagsasalita.
C. Ginagamit
ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang
kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap
ng mensaheng ipinababatid
II.
Kahulugan
ng Laboratoryo
A. Lugar
kung saan ang mga scientis ay gumagawa ng haypothesis, obserbasyon at
konklusyon
B. Dito
ginagawa ang mga eksperimento at iba pang mga bagay tungkol sa siyensya
C. Kung
saan nakakakuha ng impormasyon tungkol sa kalusugan at lagay ng pasyente
III.
Kahalagahan
ng Retorika sa Laboratoryo
A. Mapagtibay
ang komunikasyon
a. Tama
at maayos na pakikitungo sa pasyente
i.
Pagbibigay galang
ii.
Pasasalamat sa pasyente
B. Madagdagan
ang kaalaman
a. Wastong
pagbibigay ng detalye o impormasyon
i.
Pagtututuro sa pasyente kung
ano ang tamang posisyon bago ang proseso
ii.
Mga dapat isaalang alang
pagkatapos ng proseso.
C. Pagbibigay
Leybel
a. Pagiging
organisado
i.
Wastong pagkakahanay hanay
ng mga gamit
ii.
Tamang kinatatayuan ng
makinarya batay sa kanilang gamit
D.
Nagbibigay Kapangyarihan
a.
Karapatan sa loob ng
Laboratoryo
i.
Kumilos nang naaayon sa
posisyon.
IV.
Konklusyon
I.
A. Pagkakaroon
ng buhay sa pakikipag usap upang maibatid nito ang naaayon o ninanais na
ipahayag tungkol sa nadarama ng isang indibidwal at upang maintindihan ito ng
tagatanggap o tumanggap ng mensahe.
B. Para
magkaroon ng kasiningan at kahusayan kinakailangan ang kahandaan at kaalaman sa
paksa upang mas maipahayag ang nais ipabatid sa taong kausap at upang mas
paniwalaan siya ng kaniyang tagapakinig.
C. Kinakailangan
ng wasto, linaw at kaaya ayang pananalita upang maintindihan at maunawaan ng
nakikinig ang nais iparating ng nagsasalita.
II.
A. Sa
loob ng laboratoryo ginagawa ang malawakang pag aaral o pagsususri upang mas
mapatunayan at mabigyang linaw ang mga bagay na mahirap ipaliwanag.
B. Dito
sinusuri at natutuklasan ang mga makabagong lunas para sa mga malulubhang
sakit.
C. Mas
binibigyang pansin ang kondisyon ng bawat pasyente na binabatay sa pagsusuri,
lunas at kung paano maiiwasan ang sakit.
III.
A. Pagtrato
sa mga pasyente bilang isang kaibigan o pamilya at maipadama ang watsong
pagtanggap na may ngiti sa mga labi. Isaisip din natin na dapat may “eye to eye
contact” upang paniwalaan at pagkatiwalaan ng pasyente dahil dito nakikita ang
sinseridad ng isang tao sa pakikipag usap.
i.
Wastong paggamit ng po at
opo lalo na sa mga nakakatanda at pagsagot ng maayos at mahinahon sa kanilang
mga katanungan
ii.
Pasasalamat sa maayos na
pakikisama ng pasyente bago, habang at pagkatapos ng proseso.
B. Pagbibigay
ng buong detalye sa mga bagay na kailangan sa laboratoryo para maiwasan ang
pabalik balik na sitwasyon at para maiiwasan din ang hindi pagkakaintindihan sa
pagitan ng pasyente at ng medtech.
i.
Mainam na ituro sa pasyente
ng tamang posisyon bago ang proseso upang maiwasan ang pagpasa at pagdurugo ng
braso at upang hindi maapektuhan ang kalalabasan ng isasagawang pagsusuri batay
sa kundisyon ng pasyente.
ii.
Mainam ding ituro sa
pasyente ang pag aapplay ng pressure sa lugar kung saan kinuhanan upang hindi
ito mamasa at ugaliin na laging magpasalamat matapos gawin ang proseso.
C. Pagpapanatili
ng malinis at maayos na pasilidad ng laboratory upang matiyak rin ang
kaligtasan ng mga pasyente.
i.
Kung kinakailangan ay dapat
may kani kaniyang lalagyan ang mga resulta batay kung anong pagsusuri ang
ginawa upang hindi magkahalo halo at maiwasan ang pagkakapalit palit ng resulta.
ii.
Tamang kinatatayuan ng
makinarya batay sa kanilang seksyon gaya ng Hematology seksyon, Klinikal
Kemistri, Blood Banking, Clinical Microscopy, Bacteriology seksyon, at
Histopathology Seksyon.
D. Karapatan
ng nakakataas na magdesisyon batay sa pangangailangan ng laboratoryo at sa
pamumuno sa kanyang mga empleyado
i.
Ang mga rehistradong Medical
Technologist lamang ang may karapatang sumuri at pumirma sa mga resulta. Ang
mga Medikal Technologist lamang ang nararapat na maglabas ng resulta na pagbabasehan
ng mga doktor para sa kanilang pagsusuri sa kondisyon ng kanilang mga pasyente.
IV.
Konklusyon
Base sa aming
pananaliksik, malaki ang nagiging impluwensya ng retorika sa loob ng
laboratoryo. Ang aming kursong pinili ay nangangailangan ng pakikipag usap at
pakikipag argumento nang may saysay at mabisang paraan upang mahikayat ang mga
pasyente na magpasuri ng kanilang dugo at iba pang body fluids. Sa pamamagitan
ng Retorika, magkakaroon ng kalakasan sa pakikipag usap at pagsasalita sa harap
ng mga pasyente. At dahil dito maipapahayag namin nang may katuturan ang aming
mga kaalaman na nais naming iparating sa mga tagapakinig. Mapagtitibay at
napapalakas ang komunikasyon at nagkakaroon ng pagkakaintindihan at
pagkakaunawaan ang bawat isa. Makakatulong din ang pagkakaroon ng sapat na
kaalaman upang mapalawak ang pagkakaintindihan sa pagitan ng taong kausap at
nagsasalita.
Ang Retorika ang
nagsisilbing tulay kung paano maipapahayag ang isang mensahe at kung paanong
ito ay nakakatulong sa pang araw-araw nating pakikipag-komunikasyon sa loob ng
laboratoryo, makakatulong din ito sa isang indibidwal upang magkaroon ng
kahusayan sa pagpili ng mga salitang kanyang maaaring gamitin na hindi
makakaapekto o makakasira sa damdamin ng kausap.
No comments:
Post a Comment