Mayuga, Michelle D.
I. Retorika
A. Makapangyarihan ang salita, kaya nitong baguhin ang pilosopiya, paniniwala at pananaw ng isang indibidwal. --Aeous Garcia
II. Mga bagong mungkahi bilang gampanin ng Retorika
A. Makapaglahad ng bagong gampanin ng retorika sa modernong komunikasyon
a.1 Sining
a.1.1 Makaagaw ng pansin. Dahil sa mga ilang kakaibang larawan na nauuso sa panahon ngayon ay mas nagiging sensitibo na ang mga tao pagdating sa kapaligiran.
Halimbawa: |Ang larawan na sa halip ang puno ang pinuputol ay ang puno ang pumuputol sa katawan ng tao.
a.2 Kapaligiran
a.2.1 Makapagbigay babala. Mula sa ilang mga kalamidad na nararanasan sa iba't ibang panig ng mundo ay mas nagiging sensitibo na ang mga tao pagdating sa kapaligiran.
B. Makapagbigay ng gampanin ng retorika sa makabagong ekonomiya ng Pilipinas
b.1 Online Stores
b.1.1 Mas madaling pamimili. Hindi na kailangan pang lumabas ng bahay para pumunta sa mall at mamili ng mga damit, gamit sa bahay at iba't ibang aksesoris tulad ng makeup, alahas, at pamporma dahil sa pamamagitan lamang ng kompyuter at internet ay makakapamili na ang mga tao na isa sa mga dahilan kung bakit nagiging tamad ang mga tao.
b.2 Paggawa ng blog o rebyu tungkol sa tao, bagay o lugar. Marami na sa atin ngayon ang mayroong blog upang doon ilagay ang saloobin tungkol sa isang produktong ating kinain o sinubukang ilagay sa mukha, sasakyan o gadget na binili at ano ang naging performance nito makalipas ang ilang buwan, mga napuntahang lugar at kung ano ang mayroon sa kapaligiran nito at madami pang iba. Maaaring makaapekto ito sa pagdesisyon ng isang tao kung bibilhin niya ba ang isang produkto o hindi, o kaya naman ay kung gusto niya pa bang puntahan ang isang lugar o huwag nalang dahil sa nabasang blog.
C. Maipakita ang gampanin ng retorika sa ilang lebel ng mga tao
c.1 Pulitiko
c.1.1 Makapagtataas ng negatibong pagtingin sa ilang mga pulitiko. Karamihan sa mga pulitiko ngayon ay mababa na ang paningin ng mga tao, kaya't kung may lalabas man na bagong mukha ng pulitiko ay iyon na ang niluluklok nila at pumapasok ang "madumi vs mas madumi vs pinakamadumi" kung saan nakukontento na ang mga botante sa pulitiko na kung saan sa paningin nila ay ang may pinaka-kakaunting nagawang kasalanan o kamalian.
c.2 Mapaglinlang na tao
c.2.1 Pagiging mangmang ng mga taong nalilinlang. Sa panahon ngayon ay uso ang mga badjao o mga nagpapanggap na namatayan na nangangailangan ng pera na sumasakay sa mga pampasaherong jeep upang humingi ng limos. Mayroon ding mga taong bigla na lamang lumalapit sayo kapag napatambay ka sa isang bahagi ng mall para humingi ng pera dahil wala daw silang pamasahe. Hindi natin alam tayo ay niloloko o nililinlang lamang ng mga taong iyon na siya namang dahilan upang tawagin ang mga taong nilinlang o niloko na mangmang.
III. Epekto ng makabagong gampanin ng retorika sa mga tao
Iba-iba ang paraan ng pagtingin ng mga tao sa mga nakahaing sitwasyon sa kanila at maaari itong igrupo sa:
A. Pasiv (Passive) Kabilang sa mga tao na ganito ay tanggap lamang ng tanggap ng mga bagong impormasyon. Madali silang maniwala at kung ano man ang sasabihin ng nanghihikayat ay hindi nila kinukwestyon.
B. Asertiv (Assertive) Kabilang sa mga taong ito ang marunong na magtimbang ng mga sitwasyon. Hindi sila agad-agad na nagpapahikayat ngunit hindi rin naman sila nagpipilit ng sarili nilang mungkahi. Ang mga taong nabibilang sa Asertiv ay inuunang silipin muna ang sitwasyon bago magsimula sa pag-akto.
C. Agresib (Agressive) Ang mga taong kabilang dito ay ang mas naniniwala sa sarili nilang prinsipyo. Naniniwala sila na kung ano ang tama para sa tingin nila ay kailangang manatili ring tama para sa iba.
IV. Konklusyon
Marami nang pagbabago sa panahon natin ngayon lalo na ang mga pamamaraan ng mga tao sa paghikayat ng ibang mga tao. Sa pamamagitan ng kalawakan ng kaisipan tungkol sa paghihikayat ng mga tao ngayon ay madami nang manloloko o manlilinlang tulad na lamang ng mga nagpapanggap na nahingi ng limos sa mga daan o mga pampasaherong sasakyan at ng mga taong nagbebenta ng pekeng produkto. Hindi lang naman masama ang naidulot ng retorika sa modernong panahon dahil madami ring itong naitulong upang umunlad ang ekonomiya ng ating bansa. Nasa pamamaraan na lamang ng tao kung paano niya gagamitin ang retorika; kung para ba sa ikasasama o ikabubuti niya.
No comments:
Post a Comment