Friday, August 21, 2015

Ang Kahalagahan ng Elektronikong Komunikasyon sa Industriya

Mga Sumulat : Jervy Centeno
                         Kurt Wieland Reyes 


Mga Layunin:
1.     Para malaman ang depenisyong bigay ng Elektronikong Komunikasyon.
2.     Makita ang pagbabago ng Wika sa midyum ng Elektronikong Komunikasyon.
3.     Malaman ang kahalagahan  ng Elektronikong Komunikasyon.


I. Kahulugan  ng Elektonikong Komunikasyon:

A. Ang Elektonikong Komunikasyon ay idinesenyo at ginawa upang mapagaan at mapabili ang paghahanap at paghahatid ng mahahalagang impormasyon.

B. Ang elektronikong Komunikasyon ay tumutukoy sa paraan ng pakiki[ag usap o interaksyon sa pamamagitan ng iba't ibang eletronikong kagamitan tulad ng cellphone, telepono, computer, at iba pa.


II. Kahalagahan ng Elektronikong Komunikasyon:

A. Dahil sa elektronikong komunikasyon, naging mag madali ang paghahanap ng impormasyon at naisasalin ang kaalaman sa mula sa isang lugar patungo sa isa pang lokasyon. Dahil sa internet o mga iba't ibang provider tulad ng Smart, Globe, at iba pa.

B. Dahil sa Elektronikong Komunikasyon mas napapadali ang pakikipag usap ng mga nasa ibang bansa sa kanilang mahal sa buhay sa Pilipinas dahil sa internet o mga social sites.

C. Dahil sa Elektronikong Komunikasyon mas napapabilis ang pag buhay ng bawat tao dahil mas npapadali nito ang instant na pakikipag usap sa ibang tao ng hindi na kinakailangan pang pumunta sa lugar kung nasan ang kausap mo.


III. Epekto nito sa industriya:

A. Pamamahayag
     -Dahil sa elektronikong komunikasyo at midya naipapahatid ng mga mamamahayag ang pinakasariwa at pinaka bagong balita.

B. Edukasyon
     -Mas napapabilis ang pagkuha ng mga impormasyon ukol sa ating pag-aaral dahil sa elektronikong komunikasyon at midya.

C. Libangan
     -Hindi mawawala ang libangan sa mga Pilipino. Maging ang libangan ay naimpluwensyahan na ng elektronikong komunikasyon. Tulad ng pakikipag usap sa maghapon sa pakikipag text at iba pa.


IV. Epekto ng Elektronikong Komunikasyon sa Wika:

A. Malaki ang epekto ng Elektronikong Komunikasyon sa ating Wika dahil sa mga maling pag gamit ng bawat salita, ultimong tamang espeling ng isang salita ay nababgo na dahil sa pag papaikli nito at pag babago ng mga letter o ispeling nito. Malaki ang naging epekto nito lalo na nung umuso ung mga tinatawag na "JEJEMON" dahil ito sa mga pag bubuo nila ng salita gamit ang numero at maling letra dahil dito marami sa mga kabataan ngayon na nalilito na sa tamang pag gamit ng ating wika o salita.


V. Uri ng mga Elektronikong Kagamitan

A. Cellphone : Ito ang pinakagamiting uri ng elektronikong kagamitan sa iba't ibang bansa dahil sa napakabilis ng komunikasyon gamit ang kagamitang ito sa pamamagitan ng pag text o pag tawag sa isang tao.

B. Computer: Ito ang pangalawa sa gamiting elektonikong komunikasyon sa buong mundo. Mas npapadali nito ang pagpapahayag ng iyong saloobin.


VI. Konklusyon:

A. Ayon sa aming mga nakalap na kaalaman sa Elektronikong Komunikasyon ay mas naging malinaw samin kung ano ba ang Epekto nito sa ating industriya. Marami itong naitulong sa ating pang araw araw na buhay dahil mas pinadali nito ang pag papasa o pakikipag usap sa ibang tao sa magkaibang lokasyon, ngunit madami din itong naging masasamang epekto sa atin lalo na sa mga makabagong kabataan ngayon na hindi sila namulat halos libro mas namulat sila sa mga elektronikong kagamitan na nakaapekto din sa kanilang pang araw araw na buhay isa na dito ang ating Wika.







No comments:

Post a Comment