by: Carlo C Candor, Reniel Villanueva
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga Layunin
1. Upang malaman nag kasanayan sa paggamit ng wika ng mga IT student
2..Epekto ng mahusay na paggamit ng wika
3..Advantage and Disadvantage ng mahusay na paggamit ng wika
I. Panimula
Filipino ang Pambansang Wika ng Pilipinas
Bilang isang Filipino alam natin kung gano kahalaga ang papel na ginagampanan ng Wikang Filipino sa ating pamumuhay. Napapadali nito ang ating pamumuhay kung iisang lengwahe lamang ang ating ginagamit at ito ay ang wikang filipino. Walang sinumang tao ang makapagsasabi na ni minsan ay hindi sya gumamit ng kahit na ano mang anyo ng wika. Ang lahat ng uri o antas ng tao sa mundong ating ginagalawan ay ginagamitan ng wika sa iba't ibang larangan; pang-edukasyon, panrelihiyon, pampolitika pang-ekonomiya, pangkomunikasyon at panlipunan. Sa wikang ating ginagamit nagkakaroon tayo ng pagkakaisa at pagkakaintindihan sa ano mang ating gustong iparating sa ating kapwa. Sa tulong ng wika tayo ay nakapamumuhay ng ayos at ating naigagapang ang ating sarili sa kapaligiran. Mahalaga ang wikang ito sapagkat dahil dito ay lumalawak at nabubuo ang pagkatao ng bawat individual na Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang Paggamit ng wikang Filipino ay nangangahulugang nagkakaisa tayong mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin.
II. Impormasyong Pangteknolohiya
A. Ang Teknolohiya
Ano nga ba ang Teknolohiya? Ayon sa aming pagsisiyasat ang teknlohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Tinutulungan rin tayo nitong maging mas mapadali ang mga gawain sa pangaraw-araw.
B. Kursong Information Techonology
Ang pag-aaral o ang paggamit ng mga sistema (lalo na mga computer at Telecommunications) para sa pagtatago, kinukuha, at pagpapadala ng impormasyon.
C. Kahalagahan
Para sa aming mga simpleng mag-aaral ng LPU ang kahalagahan ng teknolohiya ay malaki sapagkat natutulungan kami nito sa paggawa ng aming mga kailangan para sa aming pag-aaral. Malawak at komprehensibong mga aralin ang naibibigay ng computer at internet sa aming mag-aaral ngayon kumpara sa mga nakalipas na henerasyon. Bunga rin nito ay ang mas napagyayaman ang kaalaman at kakayahan natin at maging ang ating mga future professionals upang makayanang makipagsabayan hindi lamang dito sa ating bansa kundi pati na rin sa pandaigdigang kumpetisyon. Higit sa lahat mahalaga ito sapagkat dahil sa teknolohiya ay agad nating nalalaman kung ano kawikaan meron ang ibang lugar sa ating bansa hindi lamang sa wika kundi pati na rin ang iba't ibang kultura.
D. Mga Nakikinabang/ Benipisyo
Marahil rin sa teknolohiya ay natutulungan tayo nitong malamang ang pang etnikong salita ng mga taong nakatira sa probinsya. Dahil sa wikang filipino na ating ginagamit ay ating naiintindihan ang pahiwatig ng ating mga kapwa Pilipino na malaya sa kabihasnan at nasa lumang pamumuhay. Ang mga etnikong pilipino ang isa sa maraming pilipinong nakikinabang sa ating wika sapagkat kahit sila ay hindi makapagsalita ng ibang lengwahe sila ay atin pa ring naiintindihan dahil sa wikang ating ginagamit at ito ay ang wikang pilipino.
III. Kasanayan sa paggamit ng wika ng mga IT Student
Ang mga estudyante ng LPU-Laguna sa cursong IT(Information Technology) ay bihasa sa paggamit ng wikang filipino dahil 99% na IT student ay Pilipino. Di na iba sa kanila ang wikang ito dahil ito na ang kanilang kinalakihan. Bagamat may pagkakataon na hindi tugma o maling paggamit ng ibang salita tulad ng “ ng at nang, raw at daw at maging ang din at rin “.
Alam naman natin na ang wikang Filipino ay nahaluan na ng ibang wika at patuloy pa nadaragdagan kung kaya’t sa panahon ngayon’y basta’t naiintindihan mo ang nais iparating ng tagapagsalita ito ay katanggaptangap. SA pamamagitan rin ng wikang Filipino bilang isang studyante na kumukuha ng kursong Infornation Techonology ay madali naming naipapahayag ang aming ideya o opinion para sa isang paksa. Hindi naman natin maipagkakaila na hindi lahat sa atin ay marunong o dalubhasa sa pagsasalita ng ingles lalo pa't ito itunuturing na midyum ng komunikasyon. Dahil sa paggamit ng wikang ito sa tama ay madali na naming nauunawaan ang mga bagay patungkol sa informasyong pangteknolohiya.
IV. Epekto ng mahusay na paggamit ng wika
Ano nga ba epekto ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino para sa mga IT student sa LPU-Laguna? Para sa bawat indibidual na estudyante ng LPU-Laguna sa cursong IT(Information Technology) mahalaga na mahusay ang isang estudyante na gumamit ng wikang Filipino sa pakikipag communication sa isa’t isa sapagkat ito ang pangunahing wika ginagamit ng mga mag-aaral ng LPU-Laguna sa cursong IT. Mas magkakaunawaan ang pag uusap ng dalawang estudyante kung ang mga ito ay nagsasalita ng isang lengwaheng Filipino na kung saan ay maipapahayag ng maliwanag ang nararamdam, ideyo o opinion ng bawat isa. Ang mahusay na paggamit nito ay isang matuturing na sandata at ito ang magdadala sa isang tao sa rurok ng kanyang tagumpay sapagkat kaya niyang makipagusap sa iba't ibang klase ng tao pabigkas man o pasulat.
V. Mga dulot ng Teknolohiya sa Paggamit ng Wika
A. Positibong dulot ng teknolohiya sa paggamit ng wika
Marami marahil ang positibo at negatibong naidudulot ng teknolohiya sa paggamit ng ating wika atin itong tuklusin isa-isa. Natutulungan tayo nitong makipagusap sa iba ng maayos at hindi nahihirapan sapagkat nagkakaunawaan tayo sa paggamit ng lengwaheng ito. Sa paamamagitan ng teknolohiya ay nagkakaroon ng inobasyon ang ating wika. Binibigyan ng buhay ng teknolohiya ang ating wika sa papamagitan ng pagpapalawak nito sa saan mang panig ng ating bansa pati na rin sa buong mundo. Nagagamit natin ang ating wika upang palaganapin ang ating nararamdaman, opinyon, ideya sa isang paksa na naipapahayag sa maraming tao sa pamamagitan ng teknolohiya.
B. Negatibong dulot ng teknolohiya sa paggamit ng ating wika
Ang Wikang SMS o textese (kilala rin bilang SMS language, txt-speak, txtese, chatspeak, txtspk, txtk, txto, texting language, txt lingo, SMSish, or txt talk) ay isang katawagan na tumutukoy sa mga pagdadaglat at salitang balbal na karaniwang ginagamit para sa kinakailangang kaigsian ng mobile phone text messaging, lalong lalo na sa laganap na SMS (short message service) communication protocol. Ang wikang SMS ay karaniwan rin sa Internet, maging sa email at sa instant messaging. Maaari itong ihalintulad sa ribes na gumagamit ng mga imahe at mga letra at numero upang kumatawan sa mga buong salita o diwa (hal. “i <3 u” na gumagamit sa pictogram na hugis puso, at ang letrang u na pumapalit sa salitang you).
Dahil sa teknolohiya ay nagkaron tayo ng mga salitang balbal na siyang nakakapagbahala sa wikang filipino na nalilimutan ng gamitin ito ng tama. Halimabawa: "Iskapo" na ang kahulugan ay "takas" o kaya ay "epal" ibig sabihin ay "mapapel". Ang mga salitang ito ang siyang nakakasira sa ating wika. Isang problema rin ng wikang filipino ay ang pagdaragdag ng mga nakakasira sa pagkaprestihiyoso nito tulad ng mga salitang Jejemon, bekimon, atbp. Hindi ito nakakabuti sa pagkakadebelopa ng ating wika sa kabilang banda'y nawawala ang kagandahan nito.
VI. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Maaring mayroon tayong sari-sariling pamamaraan ng paggamit ng wika pero hindi dapat natin kinakalimutan kung pano dapat ito ginagamit ng tama lalo na sa pakikipagkomunikasyon sa nakararami. Ito ang nagsisilbi nating armas upang marating ang ating mga pangarap at gustong makamit sa buhay kung hindi tayo nagkakaunawaan dahil sa ating ginagamit na wika marahil ito ay hindi maganda para sa ating pakikipagtalasan at maaring ikabagsak ng atin ng ekonomiya. Kung nagagamit natin ang ating wika ng buong karunungan atin itong maipalalawak at maipapahag ng buong kahusayan sa mundong ating ginagalawan. Maipapahayag natin ang ating mga kaalaman, opinyon at nararamdam sa iba ng walang pagdadalawang isip dahil alam natin na miintindihan nila ito. Gamitin natin ng tama ang ating wika at ng buong puso dahil ito ang magdadala sa atin sa rurok ng tagumpay.
No comments:
Post a Comment