Friday, August 21, 2015

Iba’t ibang Gampanin ng Retorika sa Klinikal Laboratoryo



Del Leola, Ana Lorraine J.
Mayuga, Jellie Joice R.
BS MT


Iba’t ibang Gampanin ng Retorika sa Klinikal Laboratoryo
Layunin: Deskriptiv

Objectives:
1.    Nakakapagbigay kaalaman sa iba’t ibang daan sa komunikasyon ang pasalita o pasulat sa loob ng laboratory

2.    Mapahalagahan ang pagpapalawak ng kaalaman sa tulong ng mga impormasyon na binibigay o nanggagaling sa mga nakatataas.

3.    Matukoy ang iba’t ibang gampanin ng retorika sa loob ng laboratoryo

I.              Kahulugan ng Retorika

A.   Ito’y nakapagbibigay lasa sa isang sulatin o kaya’y kapag ang isang tao ay may binibigkas gamit ang retorika

B.   Ito ay pag aaral upang magkaroon ng kasiningan at kahusayan ang isang indibidwal sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa kanyang pagsusulat o pagsasalita.
C.   Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid


II.            Kahulugan ng Laboratoryo

A.   Lugar kung saan ang mga scientis ay gumagawa ng haypothesis, obserbasyon at konklusyon

B.   Dito ginagawa ang mga eksperimento at iba pang mga bagay tungkol sa siyensya
C.   Kung saan nakakakuha ng impormasyon tungkol sa kalusugan at lagay ng pasyente


III.           Kahalagahan ng Retorika sa Laboratoryo

A.   Mapagtibay ang komunikasyon

a.    Tama at maayos na pakikitungo sa pasyente
i.              Pagbibigay galang
ii.            Pasasalamat sa pasyente


B.   Madagdagan ang kaalaman

a.    Wastong pagbibigay ng detalye o impormasyon
i.              Pagtututuro sa pasyente kung ano ang tamang posisyon bago ang proseso
ii.            Mga dapat isaalang alang pagkatapos ng proseso.


C.   Pagbibigay Leybel

a.    Pagiging organisado
i.              Wastong pagkakahanay hanay ng mga gamit
ii.            Tamang kinatatayuan ng makinarya batay sa kanilang gamit


D.   Nagbibigay Kapangyarihan

a.    Karapatan sa loob ng Laboratoryo
i.              Kumilos nang naaayon sa posisyon.

IV.          Konklusyon


I.               
A.   Pagkakaroon ng buhay sa pakikipag usap upang maibatid nito ang naaayon o ninanais na ipahayag tungkol sa nadarama ng isang indibidwal at upang maintindihan ito ng tagatanggap o tumanggap ng mensahe.

B.   Para magkaroon ng kasiningan at kahusayan kinakailangan ang kahandaan at kaalaman sa paksa upang mas maipahayag ang nais ipabatid sa taong kausap at upang mas paniwalaan siya ng kaniyang tagapakinig.


C.   Kinakailangan ng wasto, linaw at kaaya ayang pananalita upang maintindihan at maunawaan ng nakikinig ang nais iparating ng nagsasalita.


II.             
A.   Sa loob ng laboratoryo ginagawa ang malawakang pag aaral o pagsususri upang mas mapatunayan at mabigyang linaw ang mga bagay na mahirap ipaliwanag.

B.   Dito sinusuri at natutuklasan ang mga makabagong lunas para sa mga malulubhang sakit.

C.   Mas binibigyang pansin ang kondisyon ng bawat pasyente na binabatay sa pagsusuri, lunas at kung paano maiiwasan ang sakit.


III.            
A.   Pagtrato sa mga pasyente bilang isang kaibigan o pamilya at maipadama ang watsong pagtanggap na may ngiti sa mga labi. Isaisip din natin na dapat may “eye to eye contact” upang paniwalaan at pagkatiwalaan ng pasyente dahil dito nakikita ang sinseridad ng isang tao sa pakikipag usap.

i.              Wastong paggamit ng po at opo lalo na sa mga nakakatanda at pagsagot ng maayos at mahinahon sa kanilang mga katanungan

ii.            Pasasalamat sa maayos na pakikisama ng pasyente bago, habang at pagkatapos ng proseso.

B.   Pagbibigay ng buong detalye sa mga bagay na kailangan sa laboratoryo para maiwasan ang pabalik balik na sitwasyon at para maiiwasan din ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng pasyente at ng medtech.

i.              Mainam na ituro sa pasyente ng tamang posisyon bago ang proseso upang maiwasan ang pagpasa at pagdurugo ng braso at upang hindi maapektuhan ang kalalabasan ng isasagawang pagsusuri batay sa kundisyon ng pasyente.

ii.            Mainam ding ituro sa pasyente ang pag aapplay ng pressure sa lugar kung saan kinuhanan upang hindi ito mamasa at ugaliin na laging magpasalamat matapos gawin ang proseso.


C.   Pagpapanatili ng malinis at maayos na pasilidad ng laboratory upang matiyak rin ang kaligtasan ng mga pasyente.

i.              Kung kinakailangan ay dapat may kani kaniyang lalagyan ang mga resulta batay kung anong pagsusuri ang ginawa upang hindi magkahalo halo at maiwasan ang pagkakapalit palit ng resulta.

ii.            Tamang kinatatayuan ng makinarya batay sa kanilang seksyon gaya ng Hematology seksyon, Klinikal Kemistri, Blood Banking, Clinical Microscopy, Bacteriology seksyon, at Histopathology Seksyon.


D.   Karapatan ng nakakataas na magdesisyon batay sa pangangailangan ng laboratoryo at sa pamumuno sa kanyang mga empleyado

i.              Ang mga rehistradong Medical Technologist lamang ang may karapatang sumuri at pumirma sa mga resulta. Ang mga Medikal Technologist lamang ang nararapat na maglabas ng resulta na pagbabasehan ng mga doktor para sa kanilang pagsusuri sa kondisyon ng kanilang mga pasyente.


IV.          Konklusyon

Base sa aming pananaliksik, malaki ang nagiging impluwensya ng retorika sa loob ng laboratoryo. Ang aming kursong pinili ay nangangailangan ng pakikipag usap at pakikipag argumento nang may saysay at mabisang paraan upang mahikayat ang mga pasyente na magpasuri ng kanilang dugo at iba pang body fluids. Sa pamamagitan ng Retorika, magkakaroon ng kalakasan sa pakikipag usap at pagsasalita sa harap ng mga pasyente. At dahil dito maipapahayag namin nang may katuturan ang aming mga kaalaman na nais naming iparating sa mga tagapakinig. Mapagtitibay at napapalakas ang komunikasyon at nagkakaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan ang bawat isa. Makakatulong din ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman upang mapalawak ang pagkakaintindihan sa pagitan ng taong kausap at nagsasalita.

Ang Retorika ang nagsisilbing tulay kung paano maipapahayag ang isang mensahe at kung paanong ito ay nakakatulong sa pang araw-araw nating pakikipag-komunikasyon sa loob ng laboratoryo, makakatulong din ito sa isang indibidwal upang magkaroon ng kahusayan sa pagpili ng mga salitang kanyang maaaring gamitin na hindi makakaapekto o makakasira sa damdamin ng kausap.


No comments:

Post a Comment