Friday, August 21, 2015




Ang Wikang Filipino sa Information Age


Isinumiti ni:
Jezreel Vicencio
Christian Abril
BSIT 3-2
Subject:
Filipino 3
Isinumiti kay:
Sir.Enrico Garcia










I.                    WIKA - Isandaan at walumpu (180) sa humugit-kumulang na anim na libong buhay nawika sa daigdig ay matatagpuan sa Pilipinas. Ang ganitong sitwasyon ay maituturingna isang penomenong pangwika na nagaganap sa isang lipunan. Sa katunayan, bawatwika sa mundo ay maikakategorya batay sa uri nito. May mga wikangntelektuwalisado at malawakang ginagamit sa iba’t ibang antas ng komunikasyongpasalita at pasulat, halimbawa nito ay ang English, French, Spanish at German.Samantala, may mga wika rin na masasabing intelektuwalisado subalit limitado anggamit sa mga bansang mauunlad gaya ng wikang Korean at Niponggo (tonal languages kung ituring ang mga ito). Higit sa lahat, may tinatawag na papaunlad na mga wika samundo na karaniwang matatagpuan sa Asya gaya Filipino, Malay at iba pa. Tinawag itong papaunlad dahil patuloy itong dinedebelop sa pamamagitan ng mgalingguwistikong pag-aaral hinggil sa mga kalagayang pangwika sa ating bansa.Pinatutunayan lamang nito na bawat wika ay may kani-kaniyang papel naginagampanan sa tinatawag nating pangkat-wika o speech community

A.     WIKA MO- ang tumutulong sa iyo upang lubos mongmaiparamdam ang nais mo sa pinakamabisang paraan. Bukod pa, hatid din nito angkristalisado at awtentikong mensahe na hindi kayang maibigay ng kahit na anongbanyagang wika.
B.      WIKANG FILIPINO naman ang nagsisilbing wika ngnagkakaisang bansa.Kapangyarihan ang wikang Filipino sa Pilipinas. Kapangyarihan ang sariling wika. Isa ang sariling wika sa bumubuo ng ating pagkatao. Nang dahil sa sariling wika, nagkakaroon tayo ng tiyak at tunay identidad na hindi hiram sa iba. Nagiging ganap ang ating pagkatao sapagkat malinaw ang nagbunsod nito—ang sariling wika at kultura. Nagiging malaya tayo sa lipunang ating ginagalawan dahil ganap ang ating pagkatao. Nagiging lubos ang kapangyarihan na sumasaklaw sa ating kamalayan kung lubos din nating natatanggap ang sariling wika. Sang-ayon ito sa sinabi ni Bienvenido Lumbera na ganito: “Sa pagtanggap natin sa wika, pumapaloob tayo sa isang lipunan at nakikiisa sa mga taong naroon. Samakatuwid, ang kamalayan natin bilang indibidwal ay karugtong ng kamalayan ng iba sa lipunan. Kapag may kapangyarihang sumakop sa kamalayan ng kapwa natin sa lipunan, kasama tayong napapailalim sa nasabing kapangyarihan.”Ang sariling wika ay hindi nakababawas ng katalinuhan at katanyagan kung gagamitin sa iba’t ibang larangan. Kung ang usapin ay karunungan, maraming nag-aakala na mahina ang mga Filipinong hindi nagsasalita ng wikang dayuhan partikular na ang mga taong hindi nakapagsasalita ng matatas sa Ingles. Madalas silang maparatangang walang alam o mas masakit, tinataguriang bobo. Isa itong masaklap na pangyayari. Ngunit humihina na ang ganitong pagpaparatang dahil ginagamit ang wikang ito ng kasalakuyang Pangulo at hindi naman ito nakabawas ng katalinuhan at katanyagan. Sa kanyang mga talumpati at opisyal na pakikipagtalastasan sa taumbayan, buhay na buhay ang wikang Filipino tulad ng pagsasabi niya sa kanyang SONA na malakas ang bansang Pilipinas. Hindi ba’t napakaliwanag ang landas na tatahakin kung kasabay ng malakas na Pilipinas ay malakas rin ang Filipino bilang matatag na wikang pambansa?

II.                  TEKNOLOHIYA-Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento]] katulad ng gulong. Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating  kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito. 







*ANO ANG MAIITULONG NG TENOLOHIYA SA WIKANG FILIPINO?
Sa paglakad ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na 'globalisasyon', at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa.
Sa kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na tayo dahil lahat ng larangan ay halos computer na ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno, pribadong opisina, sa mga eskwelahan at
maging sa pamamahay man ay gumagamit na ng computer sa kanilang pakikipag-transaksyon. Kung walang personal computer ay may mga makabagong cellphone na nagsisilbing gamit sa iba't ibang uri ng pakikipag-transaksyon. Sinasabi pa nga sa mga datos na ang Filipinas ang siyang 'cellphone capital of the world', dahil ultimong mahihirap na pamilyang Filipino ay nakagagamit na ng cellphone.
Ang mabilis ba na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay makatutulong ba o hindi, lalu na sa larangan ng edukasyon sa ating bansa?
Lahat ng uri ng pag-unlad maging sa teknolohiya ay may kaakibat na positibo at negatibong dulot sa ating pamumuhay, maging sa larangan ng edukasyon. Sa larangan ng edukasyon, ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay malaking tulong ang naibibigay hindi lamang sa mga guro kundi lalo't higit sa mga mag-aaral.
Bago pa man ipatupad ng ng mga kinauukulan o ng gobyerno ang pag-unlad ng teknolohya ay binubusisi at pinag-aaralan munang mabuti kung ito ba ay makatutulong o hindi. Kanilang hihimayin ang mga positibo at negatibong dulot nito at kung nakalalamang ang positibo ay kanilang aaprubahan at ipatutupad nang naaayon sa umiiral na batas ng ating bansa, partikular sa edukasyon.
Malaking tulong sa mga guro at mag-aaral ang makabagong teknolohiya basta huwag lang aabusuhin at laging pairalin ang disiplina sa sarili. Gamitin ang makabagong teknolohiya sa tamang paraan na magiging gabay sa pagpapaunlad ng kaisipan na makatutulong ng malaki sa pag-aaral at pagtuturo. Lagi ring tatandaan na ang lahat ang sobra ay nakasasama at nagsisilbing lason na siyang nagiging hadlang sa pagtupad sa mithiing makapagtapos ng pag-aaral ng isang mag-aaral.
*ANO ANG IBAT IBANG GAMIT NG WIKA SA TEKNOLOHIYA?

A.nakakabuti ang teknolohiya sa wika dahil napapakilala nito ang wika sa ibat ibang mga bansa gamit ang mga social media at katulad ng facebook,twitter,google translate atbp.
B.Nagbibigay ito ng kaalaman sa mga ibang bansa na gusto magpagaralan ang ating wikang Filipino. katulad ng mga sumisikat sa Youtube na mga Foreigner.


*DAPAT BA TAYO MABAHALA SA PAGDATING NG INFORMATION AGE?
-Tulad ng nakikita ng maraming tao dito sa pilipinas ang pagdating ng  information age sa wikang Filipino ay hindi isang hadlang sa Pagunlad at sa Paglinang nito sa halip mas nakakatulong pa ito upang mapalaganap ang ating sariling wika sa ibang bansa at sa gayon malalo pang tinatangkilik ng mga Pilipino ang ating sariling wika.Ito ay isang Kongklusyon sa lahat ng nakasulat dito.nawa ay nakatulong.




No comments:

Post a Comment