Tuesday, August 25, 2015

Matalinhangang Pagpapahayag sa Makabagong Teknolohiya
Isinulat nina Albert Dizon at Gladys Joy DoniƱa

Layunin:
-          Malaman kung anong epekto nito sa atin.
-          Ano ang mga kahalagahan nito sa komunikasyon.
-          Epekto ng makabagong teknolohiya.

Paksa:            Matalinhagang Pagpapahayag sa Makabagong Teknolohiya

I.              Pambungad sa Makabagong teknolohiya

A.   Mabuting maidudulot
a.    Ito ay nakakatulong sa pang araw-araw na gawain natin.
b.    Magkaroon tayo ng mga bagong ideya
c.    Nagiging interesado tayo sa mga gamit ngayon.

B.   Masamang naidudulot
a.    Hindi tayo nagkakaroon ng sariling sikap dahil sa teknolohiya.
b.    Nalululong tayo sa mga laro o bagong gamit na nagagawa ng teknolohiya.
c.    Nakakaapekto ito sa ating kalikasan.

II.            Pambungad sa komunikasyon

A.    Mabuting maidudulot
a.    Napapadali ang komunikasyon.
b.    Nakikita mo ang iyong kausap kahit nasa malayong lugar dahil sa makabagong teknolohiya


B.   Masamang naidudulot
a.    Hindi makakapag-usap kung walang internet

III.           Epekto ng Makabagong Teknolohiya

A.   Pinapadali ang marami sa mga kritikal na proseso sa industriya at sa kahit ano mang bagay. Dahil dito marami sa atin ang umaasa lang sa makabagong teknolohiya na naiimbento ng ibang tao. Dito tayo nagiging tamad  o hindi nagkakaroon ng sariling sikap para magawa ang mga iba pang mga bagay. Pero hindi lahat ng makabagong teknolohiya ay nakakatulong sa atin dahil ang iba ay nakakaapekto sa pang-aaral o sa ano mang gawain. Katulad ng mga computer games na nalululong ang mga ibang bata o matanda kaya,ayroon ding hindi magandang naidudulot ang teknolohiya.

IV.          Kahalagahan ng Makabagong Teknolohiya sa komunikasyon

A.   Ang kahalagahan nito sa ating komunikasyon ay nakakaroon tayo ng madaling pag-uusap sa isang tao kahit nasa malayong lugar ang ating kausap kaya napakalaki ng naitutulong ng teknolohiya sa komunikasyon dahil natutulungan tayo nito sa mahihirap na sitwasyon.

B.   Kahalagahan ng komunikasyon sa makabagong teknolohiya
Ang kahalagahan nito ay hindi tayo magkakaroon ng teknolohiya kung wala tayong komunikasyon dahil dito sa komunikasyon ay di tayo makakabuo ng isang magandang at makabagong teknolohiya. Kaya naman napakalaki ng kahalagahan ng komunikasyon dahil ito ang nagbibigay ng daan para mapaayos at magkaroon ng isang teknolohiya.

V.            Mga Gumagamit nito

A.   Kabataan
Sinasabi na ang henerasyong ito ay “Digital/Computer World” kung saan ang mga kabataan sa panahon ngayon, edad na hindi bababa sa 3 taon at mga teenager ay sadyang marurunong sa paggamit ng ibat-ibang makabagong teknolohiya na meron tayo ngayon.


VI.           Ang Nadudulot nito sa Makabagong Panahon

A.   Marami ang nadudulot nito sa makabagong panahon dahil sa makabagong teknolohiya. Tumutulong ito upang mapaganda ang ating bansa at dahil dito pinapadali ang mga bagay na mahihirap gawin, maraming tao ang natutulungan ng teknolohiya katulad sa komunikasyon, Industriya at sa mga gawaing pang araw-araw. Kaya dapat pahalagahan din natin ang ating teknolohiya upang umunlad tayo at magkaroon ng magandang bansa.









Friday, August 21, 2015

Ang Pakikipagkumbersasyon (Pormal at Di-pormal) sa loob ng Ospital

Ang Pakikipagkumbersasyon (Pormal at Di-pormal) sa loob ng Ospital Isinulat nina Lucky Czarina Pascua at Jessa Marie Sebolino

Mga Layunin:
1. Upang malaman ang wikang gagamitin ayon sa pangyayari.
2. Upang mabigyang pansin ang kahalagahan ng tamang wika sa trabaho o propesyon
3. Upang maipakita ang nagagawa ng wika sa relasyon ng isang Health Care Provider sa bawat pasyente.


I.            Kahulugan ng Pormal na pakikipagkumbersasyon


A.      Ito ay mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag aaral ng wika.
B.      Ito ang wikang ginagamit ng indibidwal sa nakatataas o nakatatanda sa kanya.
C.      Ito ay antas ng wika na istandard na kinikilala o ginagamit ng nakararami. Narito ang uri nito:
a)      Pambansa
                                                                                 i.            Ito ay mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
b)      Pampanitikan
                                                                                 i.            Ito ay mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.

II.            Kahulugan ng Di-pormal o Impormal na pakikipagkumbersasyon


A.      Ito ay karaniwang salita na ginagamit ng mga pangkaraniwang tao sa pangkaraniwang pangyayari.
B.      Ito ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Narito ang mga uri nito:
a)      Lalawiganin
                                                                                 i.            Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
b)      Kolokyal
     i.         Ito ay pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,                maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang               pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.



c)       Balbal
                                                                                 i.            mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.

III.            Kahalagahan ng Pormal at Di-pormal na pakikipagkumbersasyon

A.   Mahalaga na dapat taglayin at pag-aralan ang pormal at di- pormal na pakikipag-usap ng isang indibidwal sa kanyang pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
B.   Mahalaga ito dahil dito matatanggap ng tao ang respeto ng kanyang kapwa at kung paano sila makipag-ugnayan ng palasak o pabiro.
C.   Mahalaga ang pormal na pakikipag-usap dahil magkakaroon din ng pagkakaunawaan at maiiwasan ng bawat isa na makapagsalita ng hindi tama na maaaring makasakit sa damdamin ng iba.

  IV.            Pormal  na pakikipagkumbersasyon sa Ospital

A.      Pormal na pakikipagkumbersasyon o pakikipag-usap ay isang paraan ng pakikipag-ugnay na dapat makita sa isang staff o miyembro na bumubuo sa isang ospital. Halimbawa ang doktor sa kanyang kapwa doktor, nars sa kapwa nars, doktor sa nars, doktor at nars sa pasyente, vice versa.
B.      Ang isang pormal na pakikipag-usap ay magdadala sa bawat isa sa isang matiwasay at maayos na relasyon. Kailangan ito upang makaiwas sa isang argumento o hindi pagkakaunawaan.
C.      Ang magalang at tamang salita ay napakahalaga sa pakikipag-ugnay ng mga miyembro ng ospital sa bawat tao na kanilang nakakasalamuha sa loob nito. Sapagkat ang isang tao na nagtataglay ng katangiang ito ay mag-iiwan ng magandang impresyon sa kanyang kapwa.

V.            Di-pormal  na pakikipagkumbersasyon sa Ospital

A.      Sa loob ng isang bahay pagamutan di maiiwasang makarinig ng iba’t ibang emosyon, mariyan ang masaya at may bagong supling ang nadagdag sa pamilya o malungkot o may kasamang iyakan dahil sa pagpanay ng isa sa mga mahal sa buhay. Ngunit kahit ganoon nariyan ang isang Health Care Provider na nakikiisa sa nadarama ng pasyente. Mayroong nagpapagaan ng loob o nagbibigay saya.
B.      Sa loob ng isang silid, maoobserbahan ang nagsisiksikan at nagtitiis na mga pasyente, kalimitang nangyayari sa mga ospital. Di mo talaga maiiwasang maawa higit na lalo sa mumunting sanggol sa Pediatric ward. Iba’t ibang katayuan sa lipunan ngunit iisa ang hangarin, ang gumaling ang mahal sa buhay at makaligtas sa bingit ng kamatayan. Isang tamang pakikipag usap ng mga HealthCare Provider ay ang pakikipag-usap ng impormal na may pag aaruga at pag unawa sa pinagdadaanan ng bawat pasyente.


VI.            KONKLUSYON
                Sa loob ng ospital, ang pormal na wika o salita ang kailangang gamitin sa pakikipagtalastasan. Sapagkat iba’t ibang uri, klase at antas ng tao ang nakasasalamuha dito. May taong may pinag aralan, meron din naming wala. May maayos makipag-usap, meron din naming pabalang magsalita. Mayroong marunong makiusap, mayroon din naming mapangahas. Subalit anumang klase ng tao makaharap sa loob ng ospital, isa lang ang dapat tandaan; pormal na pakikipag-usap ang kailangan para sa isang mapayapa at matiwasay na pakikipag-kapwa.
                Walang pinipiling oras, araw o pagkakataon. Ang pakikiisa sa kasiyahan man o kalungkutang ito ay bumubuo ng magandang samahan o relasyon sa bawat isa. Sa paraan ng impormal na pakikipag-usap ng HealthCare Providero pang araw-araw na uri ng pakikipag-usap sa isang mamamayan naipapakita ang pakikipagkapwa tao, respeto at pagmamahal. Halimbawa na lamang ay ang sumikat na nars na si Fatima dahil sa kanyang pagrarap. Makikita ang pag aaruga niya sa pasyente, kinakantahan niya, nakikipagbiruan o nakikipagkwentuhan upang mapagaan ang nararamdaman ng kanyang mga pasyente. Samakatuwid, tunay na nakakatulong ang pakikipagkumbersasyong impormal saan man kahit sa loob ng ospital. Nagpaparamdam ito ng pagiging kumportable ng pasyente sa ospital sa pamamagitan ng mga uri ng pakikipag-usap ng isang healthcare provider. Naipapahayag sa kapwa ang nais iparating ng ayon sa pangyayari sa pamamagitan ng maayos na pakikipagkumbersasyong impormal.










Ang Kapangyarihan ng Retorika sa Mundo ng Networking

Ang Kapangyarihan ng Retorika sa Mundo ng Networking
Isinulat nina Judy Anne Cabico at Maria Fe Matienzo

­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­_________________________________________________________________________
 Mga Layunin:    
       1.    Upang mapalawak ang kaisipan ng mga tao tungkol sa networking.
       2.    Maging bukas ang isipan sa pagnenegosyo.  
       3.    Upang maipakita ang nagagawa ng retorika sa networking.
_____________________________________________________________________
I.     Kahulugan ng Retorika
A.    Ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at     magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan dito ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag.

B.    Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng isang tao dahil sa kadahilanang ang tao   ay kinakailangan ang retorika upang maipahayag ang kanyang saloobin. Malalaman ng tao ang kanyang nararamdaman at higit sa lahat ginagamit ito sa pakikipagtalastasan at paghihikayat. Ang isang tao ay nagsasalita araw-araw sa pamamagitan ng retorika, malalaman ng bawat isa ang kanilang ninanais na iparating sa bayan at sa kapwa tao. Hindi namamalayan ng mga tao na sila ay  gumagamit ng retorika sa araw-araw na buhay.

C.    Ang retorika ang kabuuan ng dili't iba kundi ang pinakahulugan ng isang simpleng kilala ng lahat na idyoma "matamis ang dila", ang kagalingan ng isang tao na: (1) makapanghikayat na gumawa ng isang bagay na ipinadaramang tama, (2) makapagpabatid ng tungkol sa mga bagay bagay na hindi pa nalalaman, at (3) makapang-aliw para makapagbigay kasiyahan at kabutihan sa  kapwa.


II.            Kahulugan ng Networking
Ang multi-level marketing o mas kilala sa tawag na networking ay tungkol sa pagkakaroon ng koneksyon at pagtatayo ng matatag na relasyon sa pagnenegosyo. Ito ay isa sa pinakamakapangyarihang istratehiya ng pangangalakal upang mapabilis at mapanatili ang tagumpay ng isang indibidwal o organisasyon. Ito ay isang team based effort o “tulungan system” upang maging matagumpay


III.           Epekto ng Retorika sa Networking
A.    Narinig mo na ba ang mga katagang “Gusto mo bang kumita?” “Gusto mo ba ng part-time job?” “Open-minded kaba?”  Ilan lang ang mga ito sa mga kadalasang maririnig mong mga tanong sa mga nagnenetworking. Syempre sino ba namang ayaw kumita ng sarili nilang pera. Sa pagnenetworking galing sa pagsasalita ang unang unang puhunan mo bukod sa pera. Ang isang taong involve sa networking ay dapat ipaunawa sa mga bagong miyembro kung paano nga ba talaga tumatakbo ang kanilang negosyo. Isa sa mga kilalang uri ng pagnenegosyo sa panahon ngayon ay ang pagnenetworking. Ito ay isa sa pinakamabisang paraan upang kumita. Madalas itong ialok sa mga kabataan, lalong lalo na sa mga estudyante na nais magkaroon ng sariling income. Upang makapanghikayat ng bagong miyembro, kinakailangan na mahusay ka sa pakikipagkomunikasyon. Ang bawat salitang binibitawan mo sa bagong recruit ay dapat malaman ang iyong mga sinasabi. Mahihikayat mo lamang ang mga tao kung maabilidad at mahusay kang magsalita o di kaya ay may dating ito sa kanila.

B.    Tanong ng marami sa networking “talaga nga bang yayaman tayo?” Ano mang negosyo, kung hindi tatrabahuhin ay walang mangyayari.


IV.          Konklusyon at Rekomendasyon
Ang kapangyarihan ng retorika sa pagnenetworking ay labis na mahalaga sapagkat ito ay makakatulong sa epektibong paraan ng panghihikayat. 
Kung ikaw ay mahusay magsalita o magaling sa panghihikayat, ang pagnenetworking ay nababagay sa iyo. Ikaw ay kikita sa paraang alam mo. Ang iyong puhunan ay ang iyong galing sa pagsasalita at panghihikayat. Upang maging mabisa ang panghihikayat kinakailangang piliin ang lugar at oras upang maging interesado at komportable ang nakikinig.


Ang Kahalagahan ng Elektronikong Komunikasyon sa Industriya

Mga Sumulat : Jervy Centeno
                         Kurt Wieland Reyes 


Mga Layunin:
1.     Para malaman ang depenisyong bigay ng Elektronikong Komunikasyon.
2.     Makita ang pagbabago ng Wika sa midyum ng Elektronikong Komunikasyon.
3.     Malaman ang kahalagahan  ng Elektronikong Komunikasyon.


I. Kahulugan  ng Elektonikong Komunikasyon:

A. Ang Elektonikong Komunikasyon ay idinesenyo at ginawa upang mapagaan at mapabili ang paghahanap at paghahatid ng mahahalagang impormasyon.

B. Ang elektronikong Komunikasyon ay tumutukoy sa paraan ng pakiki[ag usap o interaksyon sa pamamagitan ng iba't ibang eletronikong kagamitan tulad ng cellphone, telepono, computer, at iba pa.


II. Kahalagahan ng Elektronikong Komunikasyon:

A. Dahil sa elektronikong komunikasyon, naging mag madali ang paghahanap ng impormasyon at naisasalin ang kaalaman sa mula sa isang lugar patungo sa isa pang lokasyon. Dahil sa internet o mga iba't ibang provider tulad ng Smart, Globe, at iba pa.

B. Dahil sa Elektronikong Komunikasyon mas napapadali ang pakikipag usap ng mga nasa ibang bansa sa kanilang mahal sa buhay sa Pilipinas dahil sa internet o mga social sites.

C. Dahil sa Elektronikong Komunikasyon mas napapabilis ang pag buhay ng bawat tao dahil mas npapadali nito ang instant na pakikipag usap sa ibang tao ng hindi na kinakailangan pang pumunta sa lugar kung nasan ang kausap mo.


III. Epekto nito sa industriya:

A. Pamamahayag
     -Dahil sa elektronikong komunikasyo at midya naipapahatid ng mga mamamahayag ang pinakasariwa at pinaka bagong balita.

B. Edukasyon
     -Mas napapabilis ang pagkuha ng mga impormasyon ukol sa ating pag-aaral dahil sa elektronikong komunikasyon at midya.

C. Libangan
     -Hindi mawawala ang libangan sa mga Pilipino. Maging ang libangan ay naimpluwensyahan na ng elektronikong komunikasyon. Tulad ng pakikipag usap sa maghapon sa pakikipag text at iba pa.


IV. Epekto ng Elektronikong Komunikasyon sa Wika:

A. Malaki ang epekto ng Elektronikong Komunikasyon sa ating Wika dahil sa mga maling pag gamit ng bawat salita, ultimong tamang espeling ng isang salita ay nababgo na dahil sa pag papaikli nito at pag babago ng mga letter o ispeling nito. Malaki ang naging epekto nito lalo na nung umuso ung mga tinatawag na "JEJEMON" dahil ito sa mga pag bubuo nila ng salita gamit ang numero at maling letra dahil dito marami sa mga kabataan ngayon na nalilito na sa tamang pag gamit ng ating wika o salita.


V. Uri ng mga Elektronikong Kagamitan

A. Cellphone : Ito ang pinakagamiting uri ng elektronikong kagamitan sa iba't ibang bansa dahil sa napakabilis ng komunikasyon gamit ang kagamitang ito sa pamamagitan ng pag text o pag tawag sa isang tao.

B. Computer: Ito ang pangalawa sa gamiting elektonikong komunikasyon sa buong mundo. Mas npapadali nito ang pagpapahayag ng iyong saloobin.


VI. Konklusyon:

A. Ayon sa aming mga nakalap na kaalaman sa Elektronikong Komunikasyon ay mas naging malinaw samin kung ano ba ang Epekto nito sa ating industriya. Marami itong naitulong sa ating pang araw araw na buhay dahil mas pinadali nito ang pag papasa o pakikipag usap sa ibang tao sa magkaibang lokasyon, ngunit madami din itong naging masasamang epekto sa atin lalo na sa mga makabagong kabataan ngayon na hindi sila namulat halos libro mas namulat sila sa mga elektronikong kagamitan na nakaapekto din sa kanilang pang araw araw na buhay isa na dito ang ating Wika.