Tuesday, August 25, 2015

Matalinhangang Pagpapahayag sa Makabagong Teknolohiya
Isinulat nina Albert Dizon at Gladys Joy Doniña

Layunin:
-          Malaman kung anong epekto nito sa atin.
-          Ano ang mga kahalagahan nito sa komunikasyon.
-          Epekto ng makabagong teknolohiya.

Paksa:            Matalinhagang Pagpapahayag sa Makabagong Teknolohiya

I.              Pambungad sa Makabagong teknolohiya

A.   Mabuting maidudulot
a.    Ito ay nakakatulong sa pang araw-araw na gawain natin.
b.    Magkaroon tayo ng mga bagong ideya
c.    Nagiging interesado tayo sa mga gamit ngayon.

B.   Masamang naidudulot
a.    Hindi tayo nagkakaroon ng sariling sikap dahil sa teknolohiya.
b.    Nalululong tayo sa mga laro o bagong gamit na nagagawa ng teknolohiya.
c.    Nakakaapekto ito sa ating kalikasan.

II.            Pambungad sa komunikasyon

A.    Mabuting maidudulot
a.    Napapadali ang komunikasyon.
b.    Nakikita mo ang iyong kausap kahit nasa malayong lugar dahil sa makabagong teknolohiya


B.   Masamang naidudulot
a.    Hindi makakapag-usap kung walang internet

III.           Epekto ng Makabagong Teknolohiya

A.   Pinapadali ang marami sa mga kritikal na proseso sa industriya at sa kahit ano mang bagay. Dahil dito marami sa atin ang umaasa lang sa makabagong teknolohiya na naiimbento ng ibang tao. Dito tayo nagiging tamad  o hindi nagkakaroon ng sariling sikap para magawa ang mga iba pang mga bagay. Pero hindi lahat ng makabagong teknolohiya ay nakakatulong sa atin dahil ang iba ay nakakaapekto sa pang-aaral o sa ano mang gawain. Katulad ng mga computer games na nalululong ang mga ibang bata o matanda kaya,ayroon ding hindi magandang naidudulot ang teknolohiya.

IV.          Kahalagahan ng Makabagong Teknolohiya sa komunikasyon

A.   Ang kahalagahan nito sa ating komunikasyon ay nakakaroon tayo ng madaling pag-uusap sa isang tao kahit nasa malayong lugar ang ating kausap kaya napakalaki ng naitutulong ng teknolohiya sa komunikasyon dahil natutulungan tayo nito sa mahihirap na sitwasyon.

B.   Kahalagahan ng komunikasyon sa makabagong teknolohiya
Ang kahalagahan nito ay hindi tayo magkakaroon ng teknolohiya kung wala tayong komunikasyon dahil dito sa komunikasyon ay di tayo makakabuo ng isang magandang at makabagong teknolohiya. Kaya naman napakalaki ng kahalagahan ng komunikasyon dahil ito ang nagbibigay ng daan para mapaayos at magkaroon ng isang teknolohiya.

V.            Mga Gumagamit nito

A.   Kabataan
Sinasabi na ang henerasyong ito ay “Digital/Computer World” kung saan ang mga kabataan sa panahon ngayon, edad na hindi bababa sa 3 taon at mga teenager ay sadyang marurunong sa paggamit ng ibat-ibang makabagong teknolohiya na meron tayo ngayon.


VI.           Ang Nadudulot nito sa Makabagong Panahon

A.   Marami ang nadudulot nito sa makabagong panahon dahil sa makabagong teknolohiya. Tumutulong ito upang mapaganda ang ating bansa at dahil dito pinapadali ang mga bagay na mahihirap gawin, maraming tao ang natutulungan ng teknolohiya katulad sa komunikasyon, Industriya at sa mga gawaing pang araw-araw. Kaya dapat pahalagahan din natin ang ating teknolohiya upang umunlad tayo at magkaroon ng magandang bansa.









No comments:

Post a Comment