Friday, August 21, 2015

Ang Pakikipagkumbersasyon (Pormal at Di-pormal) sa loob ng Ospital

Ang Pakikipagkumbersasyon (Pormal at Di-pormal) sa loob ng Ospital Isinulat nina Lucky Czarina Pascua at Jessa Marie Sebolino

Mga Layunin:
1. Upang malaman ang wikang gagamitin ayon sa pangyayari.
2. Upang mabigyang pansin ang kahalagahan ng tamang wika sa trabaho o propesyon
3. Upang maipakita ang nagagawa ng wika sa relasyon ng isang Health Care Provider sa bawat pasyente.


I.            Kahulugan ng Pormal na pakikipagkumbersasyon


A.      Ito ay mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag aaral ng wika.
B.      Ito ang wikang ginagamit ng indibidwal sa nakatataas o nakatatanda sa kanya.
C.      Ito ay antas ng wika na istandard na kinikilala o ginagamit ng nakararami. Narito ang uri nito:
a)      Pambansa
                                                                                 i.            Ito ay mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
b)      Pampanitikan
                                                                                 i.            Ito ay mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.

II.            Kahulugan ng Di-pormal o Impormal na pakikipagkumbersasyon


A.      Ito ay karaniwang salita na ginagamit ng mga pangkaraniwang tao sa pangkaraniwang pangyayari.
B.      Ito ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Narito ang mga uri nito:
a)      Lalawiganin
                                                                                 i.            Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
b)      Kolokyal
     i.         Ito ay pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,                maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang               pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.



c)       Balbal
                                                                                 i.            mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.

III.            Kahalagahan ng Pormal at Di-pormal na pakikipagkumbersasyon

A.   Mahalaga na dapat taglayin at pag-aralan ang pormal at di- pormal na pakikipag-usap ng isang indibidwal sa kanyang pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
B.   Mahalaga ito dahil dito matatanggap ng tao ang respeto ng kanyang kapwa at kung paano sila makipag-ugnayan ng palasak o pabiro.
C.   Mahalaga ang pormal na pakikipag-usap dahil magkakaroon din ng pagkakaunawaan at maiiwasan ng bawat isa na makapagsalita ng hindi tama na maaaring makasakit sa damdamin ng iba.

  IV.            Pormal  na pakikipagkumbersasyon sa Ospital

A.      Pormal na pakikipagkumbersasyon o pakikipag-usap ay isang paraan ng pakikipag-ugnay na dapat makita sa isang staff o miyembro na bumubuo sa isang ospital. Halimbawa ang doktor sa kanyang kapwa doktor, nars sa kapwa nars, doktor sa nars, doktor at nars sa pasyente, vice versa.
B.      Ang isang pormal na pakikipag-usap ay magdadala sa bawat isa sa isang matiwasay at maayos na relasyon. Kailangan ito upang makaiwas sa isang argumento o hindi pagkakaunawaan.
C.      Ang magalang at tamang salita ay napakahalaga sa pakikipag-ugnay ng mga miyembro ng ospital sa bawat tao na kanilang nakakasalamuha sa loob nito. Sapagkat ang isang tao na nagtataglay ng katangiang ito ay mag-iiwan ng magandang impresyon sa kanyang kapwa.

V.            Di-pormal  na pakikipagkumbersasyon sa Ospital

A.      Sa loob ng isang bahay pagamutan di maiiwasang makarinig ng iba’t ibang emosyon, mariyan ang masaya at may bagong supling ang nadagdag sa pamilya o malungkot o may kasamang iyakan dahil sa pagpanay ng isa sa mga mahal sa buhay. Ngunit kahit ganoon nariyan ang isang Health Care Provider na nakikiisa sa nadarama ng pasyente. Mayroong nagpapagaan ng loob o nagbibigay saya.
B.      Sa loob ng isang silid, maoobserbahan ang nagsisiksikan at nagtitiis na mga pasyente, kalimitang nangyayari sa mga ospital. Di mo talaga maiiwasang maawa higit na lalo sa mumunting sanggol sa Pediatric ward. Iba’t ibang katayuan sa lipunan ngunit iisa ang hangarin, ang gumaling ang mahal sa buhay at makaligtas sa bingit ng kamatayan. Isang tamang pakikipag usap ng mga HealthCare Provider ay ang pakikipag-usap ng impormal na may pag aaruga at pag unawa sa pinagdadaanan ng bawat pasyente.


VI.            KONKLUSYON
                Sa loob ng ospital, ang pormal na wika o salita ang kailangang gamitin sa pakikipagtalastasan. Sapagkat iba’t ibang uri, klase at antas ng tao ang nakasasalamuha dito. May taong may pinag aralan, meron din naming wala. May maayos makipag-usap, meron din naming pabalang magsalita. Mayroong marunong makiusap, mayroon din naming mapangahas. Subalit anumang klase ng tao makaharap sa loob ng ospital, isa lang ang dapat tandaan; pormal na pakikipag-usap ang kailangan para sa isang mapayapa at matiwasay na pakikipag-kapwa.
                Walang pinipiling oras, araw o pagkakataon. Ang pakikiisa sa kasiyahan man o kalungkutang ito ay bumubuo ng magandang samahan o relasyon sa bawat isa. Sa paraan ng impormal na pakikipag-usap ng HealthCare Providero pang araw-araw na uri ng pakikipag-usap sa isang mamamayan naipapakita ang pakikipagkapwa tao, respeto at pagmamahal. Halimbawa na lamang ay ang sumikat na nars na si Fatima dahil sa kanyang pagrarap. Makikita ang pag aaruga niya sa pasyente, kinakantahan niya, nakikipagbiruan o nakikipagkwentuhan upang mapagaan ang nararamdaman ng kanyang mga pasyente. Samakatuwid, tunay na nakakatulong ang pakikipagkumbersasyong impormal saan man kahit sa loob ng ospital. Nagpaparamdam ito ng pagiging kumportable ng pasyente sa ospital sa pamamagitan ng mga uri ng pakikipag-usap ng isang healthcare provider. Naipapahayag sa kapwa ang nais iparating ng ayon sa pangyayari sa pamamagitan ng maayos na pakikipagkumbersasyong impormal.










No comments:

Post a Comment