Ang Wikang Filipino sa
Information Age
Isinumiti ni:
Jezreel Vicencio
Christian Abril
BSIT 3-2
Subject:
Filipino 3
Isinumiti kay:
Sir.Enrico Garcia
I.
WIKA - Isandaan at walumpu (180) sa
humugit-kumulang na anim na libong buhay nawika sa daigdig ay matatagpuan sa
Pilipinas. Ang ganitong sitwasyon ay maituturingna isang penomenong pangwika na
nagaganap sa isang lipunan. Sa katunayan, bawatwika sa mundo ay maikakategorya
batay sa uri nito. May mga wikangntelektuwalisado at malawakang ginagamit sa
iba’t ibang antas ng komunikasyongpasalita at pasulat, halimbawa nito ay ang
English, French, Spanish at German.Samantala, may mga wika rin na masasabing
intelektuwalisado subalit limitado anggamit sa mga bansang mauunlad gaya ng
wikang Korean at Niponggo (tonal languages kung ituring ang mga ito).
Higit sa lahat, may tinatawag na papaunlad na mga wika samundo na karaniwang
matatagpuan sa Asya gaya Filipino, Malay at iba pa. Tinawag itong papaunlad
dahil patuloy itong dinedebelop sa pamamagitan ng mgalingguwistikong pag-aaral
hinggil sa mga kalagayang pangwika sa ating bansa.Pinatutunayan lamang nito na
bawat wika ay may kani-kaniyang papel naginagampanan sa tinatawag nating
pangkat-wika o speech community
A.
WIKA MO- ang tumutulong sa iyo
upang lubos mongmaiparamdam ang nais mo sa pinakamabisang paraan. Bukod pa,
hatid din nito angkristalisado at awtentikong mensahe na hindi kayang maibigay
ng kahit na anongbanyagang wika.
B.
WIKANG FILIPINO naman ang
nagsisilbing wika ngnagkakaisang bansa.Kapangyarihan ang wikang Filipino sa Pilipinas. Kapangyarihan ang
sariling wika. Isa ang sariling wika sa bumubuo ng ating pagkatao. Nang dahil
sa sariling wika, nagkakaroon tayo ng tiyak at tunay identidad na hindi hiram
sa iba. Nagiging ganap ang ating pagkatao sapagkat malinaw ang nagbunsod
nito—ang sariling wika at kultura. Nagiging malaya tayo sa lipunang ating
ginagalawan dahil ganap ang ating pagkatao. Nagiging lubos ang kapangyarihan na
sumasaklaw sa ating kamalayan kung lubos din nating natatanggap ang sariling wika.
Sang-ayon ito sa sinabi ni Bienvenido Lumbera na ganito: “Sa pagtanggap natin
sa wika, pumapaloob tayo sa isang lipunan at nakikiisa sa mga taong naroon.
Samakatuwid, ang kamalayan natin bilang indibidwal ay karugtong ng kamalayan ng
iba sa lipunan. Kapag may kapangyarihang sumakop sa kamalayan ng kapwa natin sa
lipunan, kasama tayong napapailalim sa nasabing kapangyarihan.”Ang sariling
wika ay hindi nakababawas ng katalinuhan at katanyagan kung gagamitin sa iba’t
ibang larangan. Kung ang usapin ay karunungan, maraming nag-aakala na mahina
ang mga Filipinong hindi nagsasalita ng wikang dayuhan partikular na ang mga
taong hindi nakapagsasalita ng matatas sa Ingles. Madalas silang maparatangang
walang alam o mas masakit, tinataguriang bobo. Isa itong masaklap na
pangyayari. Ngunit humihina na ang ganitong pagpaparatang dahil ginagamit ang
wikang ito ng kasalakuyang Pangulo at hindi naman ito nakabawas ng katalinuhan
at katanyagan. Sa kanyang mga talumpati at opisyal na pakikipagtalastasan sa
taumbayan, buhay na buhay ang wikang Filipino tulad ng pagsasabi niya sa
kanyang SONA na malakas ang bansang Pilipinas. Hindi ba’t napakaliwanag ang
landas na tatahakin kung kasabay ng malakas na Pilipinas ay malakas rin ang
Filipino bilang matatag na wikang pambansa?
II.
TEKNOLOHIYA-Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan
lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man,
isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento]]
katulad ng gulong. Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga
kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng
ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago
sa teknolohiya kung nadadagdagan
ang ating kaalaman dito.
*ANO ANG MAIITULONG NG TENOLOHIYA SA WIKANG FILIPINO?
Sa paglakad ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na
'globalisasyon', at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At
sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa
kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa.
Sa
kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na tayo dahil lahat ng larangan
ay halos computer na ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno, pribadong
opisina, sa mga eskwelahan at
maging
sa pamamahay man ay gumagamit na ng computer sa kanilang pakikipag-transaksyon.
Kung walang personal computer ay may mga makabagong cellphone na nagsisilbing
gamit sa iba't ibang uri ng pakikipag-transaksyon. Sinasabi pa nga sa mga datos
na ang Filipinas ang siyang 'cellphone capital of the world', dahil ultimong
mahihirap na pamilyang Filipino ay nakagagamit na ng cellphone.
Ang
mabilis ba na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay makatutulong ba o hindi,
lalu na sa larangan ng edukasyon sa ating bansa?
Lahat ng
uri ng pag-unlad maging sa teknolohiya ay may kaakibat na positibo at
negatibong dulot sa ating pamumuhay, maging sa larangan ng edukasyon. Sa
larangan ng edukasyon, ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay malaking
tulong ang naibibigay hindi lamang sa mga guro kundi lalo't higit sa mga
mag-aaral.
Bago pa
man ipatupad ng ng mga kinauukulan o ng gobyerno ang pag-unlad ng teknolohya ay
binubusisi at pinag-aaralan munang mabuti kung ito ba ay makatutulong o hindi.
Kanilang hihimayin ang mga positibo at negatibong dulot nito at kung
nakalalamang ang positibo ay kanilang aaprubahan at ipatutupad nang naaayon sa
umiiral na batas ng ating bansa, partikular sa edukasyon.
Malaking
tulong sa mga guro at mag-aaral ang makabagong teknolohiya basta huwag lang
aabusuhin at laging pairalin ang disiplina sa sarili. Gamitin ang makabagong
teknolohiya sa tamang paraan na magiging gabay sa pagpapaunlad ng kaisipan na
makatutulong ng malaki sa pag-aaral at pagtuturo. Lagi ring tatandaan na ang
lahat ang sobra ay nakasasama at nagsisilbing lason na siyang nagiging hadlang
sa pagtupad sa mithiing makapagtapos ng pag-aaral ng isang mag-aaral.
*ANO ANG IBAT IBANG GAMIT NG WIKA SA TEKNOLOHIYA?
A.nakakabuti ang teknolohiya sa
wika dahil napapakilala nito ang wika sa ibat ibang mga bansa gamit ang mga
social media at katulad ng facebook,twitter,google translate atbp.
B.Nagbibigay ito ng kaalaman sa
mga ibang bansa na gusto magpagaralan ang ating wikang Filipino. katulad ng mga
sumisikat sa Youtube na mga Foreigner.
*DAPAT BA TAYO MABAHALA
SA PAGDATING NG INFORMATION AGE?
-Tulad ng nakikita ng maraming tao dito sa pilipinas ang
pagdating ng information age sa wikang
Filipino ay hindi isang hadlang sa Pagunlad at sa Paglinang nito sa halip mas
nakakatulong pa ito upang mapalaganap ang ating sariling wika sa ibang bansa at
sa gayon malalo pang tinatangkilik ng mga Pilipino ang ating sariling wika.Ito
ay isang Kongklusyon sa lahat ng nakasulat dito.nawa ay nakatulong.
No comments:
Post a Comment