PAKSA: ANG WASTONG PAGGAMIT NG WIKA SA LARANGAN NG MEDISINA.
I.PAMBUNGAD
(Kahalagahan ng wastong paggamit ng wika sa larangan ng medisina)
A. Upang maiparating ng husto ng
doctor o sino mang propesyunal tungkol sa medisina ang mensahe sa kanilang mga
pasyente.
B. Mahalaga ang tamang paggamit
nito dahil sa paraang ito ay nagkakaintindihan ang dalawang nag uusap at kung
may tanong ang mga pasyente ay madali nitong naipaparating sa mga propesyunal
sa larangan ng medisina.
C. Sa paggamit nito ay
makakapagbigay ng malinaw at eksaktong direksyon sa kanilang mga pasyente ang
mga doctor kaugnay sa mga gamot na inireseta nila o kung ano mang dapat gawin
sa kanilang mga ikinukunsulta.
II. PAANO
MAPABUTI ANG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO.
A.
Ugaliing gamitin ito sa pakikipagusap sa mga
pasyente.
B.
Makinig at unawain ang iyong kausap upang
makapagbigay ng mga detalyeng hinihingi ng mga pasyente
C.
Siguraduhing naiintindihan at malinaw ang iyong
pagsasalita upang maiparating ng maayos ang iyong mensahe sa inyong mga
pasyente.
III.
PAGLALAHAT (Mga maaring maging suliranin pag hindi nagamit ng wasto ang wikang
Filipino)
A.
Maaring di maintindihan ng iyong kausap ang
iyong mga sinabi at hindi maisagawa ng tama ang iyong mga direksyon.
B.
Maaring magkamali ng pagbibigay ng tamang
inpormasyon sa inyong mga pasyente.
C.
Maaring di maging sapat o kulang ang mga
impormasyong ikinukunsulta ng inyong mga pasyente.
No comments:
Post a Comment